Paghahanap sa mga nawawalang crew ng Gulf Livestock 1 itutuloy ngayong araw

Itutuloy ngayong araw ng Japanese Coast Guard ang paghahanap sa mga nawawalang crew ng Panamanian-flagged Vessel sa Japan.

Sa isinagawang search operation kahapon ay wala pa ring natagpuan sa mga nawawalang crew ng MV Livestock 1.

Ayon sa update ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Philippine Embassy sa Tokyo at Philippine Consulate General sa Osaka, itutuloy ngayong araw ng Japanese Coast Guard ang sea at aerial search.

Tiniyak ng pamahalaan na inaasistihan ng foreigns ervice post sa Japan ang dalawang Pinoy na nauna nang nasagip.

Patuloy din ang pag-monitor ng pamahalaan sa sitwasyon at pakikipag-ugnayan sa Japanese authorities.

 

 

Read more...