Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (September 8, 3:00 PM) nakapagtala ng 635 na bagong kaso kaya pumalo na sa 26,048 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 6,804
Laguna – 8,876
Batangas – 4,184
Rizal – 4,880
Quezon – 1,304
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 13,675.
Nasa 11,734 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 287 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 3,080
Laguna – 4,825
Batangas – 1,784
Rizal – 1,390
Quezon – 655
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na sa 639 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 160
Laguna – 169
Batangas – 97
Rizal – 173
Quezon – 40
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay