85-anyos na lolo, tumakas; COVID-19 facility, tinangkang sunugin

By Jan Escosio September 08, 2020 - 10:28 PM

Matapos tumakas sa isang ospital, tinangka ng isang 85-anyos na lalaki na sunugin ang isolation facility ng pamahalaang-bayan ng San Manuel, Pangasinan.

Nabatid na positibo sa COVID-19 ang matandang lalaki at ang tangka niyang pagsunog sa Don Primitivo S. Perez Social Hall ay naganap noong nakaraang araw ng Linggo.

Base sa impormasyon, na-confine sa Region 1 Medical Center ang lalaki noong Agosto 30 nang magpositibo sa COVID 19-test.

Kinabukasan ay tumakas na ito bago ito muling nahuli at nang ayaw nang tanggapin sa ospital ay inilagay na ito sa isolation facility sa naturang bayan.

Ngunit, sa pamamagitan ng katol, tinangka nitong magpasimula ng sunog sa pamamagitan ng pagsunog sa mga papel at binasag pa nito ang ilang salaming bintana.

Nang muling mahuli, dinala na sa Pangasinan Provincial Hospital ang matanda, na maaaring sampahan ng mga kaso kapag ito ay gumaling na.

TAGS: COVID-19 facility in Pangasinan, COVID-19 facility in San Manuel, Don Primitivo S. Perez Social Hall, Inquirer News, pangasinan, Radyo Inquirer news, Region 1 Medical Center, COVID-19 facility in Pangasinan, COVID-19 facility in San Manuel, Don Primitivo S. Perez Social Hall, Inquirer News, pangasinan, Radyo Inquirer news, Region 1 Medical Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.