Mandaluyong City, nakapagtala ng 110 COVID-19 recoveries
Napaulat ang 61 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:32, Martes ng hapon (September 8), 3,475 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 964 ang aktibong kaso.
163 ang itinuturing na probable cases habang 1,452 ang suspected cases kung saan 12,016 ang cleared na.
110 ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,391 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat namam sa 120 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.