Pagtatayo ng cell sites ng third telco sa mga kampo militar, tuloy na

By Erwin Aguilon September 08, 2020 - 06:54 PM

Maaari nang magtayo ng kanilang cell sites sa loob ng mga kampo ng militar third telco player na DITO Telecommunity Corporation.

Sa pagdinig ng Kamara sa budget ng Department of National Defense, sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na bahagi ito ng memorandum of agreement sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at DITO.

Katulad ng Globe at Smart, sinabi ni Lorenzana na nais din ng DITO na makapagtayo ng cell towers sa loob ng mga kampo ng militar para sa security purposes.

Kinontra naman ito ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez dahil magkaiba aniya ang sitwasyon ng DITO kung ikumpara sa Globe at Smart.

Iginiit ni Rodriguez na 40 percent ang ownership dito ng China Telecom, na pagmamay-ari ng Chinese government, na kaalitan ng Pilipinas dahil sa sigalot sa West Philippine Sea.

TAGS: AFP, dito telecom, DITO telecom cell sites, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Delfin Lorenzana, third telco player, AFP, dito telecom, DITO telecom cell sites, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Delfin Lorenzana, third telco player

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.