Ayon kay National Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang binubuo nilang IRR ay lilimitahan lamang sa kung ano ang mga probisyon na nakasaad sa ilalim ng Anti-Terror Law, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 3, na kasalukuyang ay nahaharap sa 25 petisyon sa Korte Suprema.
Sa ngayon, sinabi ni AFP Chief of Staff Lt/Gen. Gilbert Gapay na hindi pa tapos ang pagbalangkas sa IRR ng Anti-Terror Law.
Pero aminado sila na sa kasalukuyang panahon ay nagagamit talaga sa global terrorism ang social media mula sa recruitment, resource generation hanggang sa pagpaplano nang pag-atake.
Kadalasan aniya sa mga nabibiktima ng mga teroristang ito ay ang mga kabataan na madaling gawing radikal.
Kaya sa kanilang rekomendasyon, isinusulong nila na ma-regulate ang social media platforms mismo at hindi ang mga taong gumagamit na ito.
Kasabay nito ay nananawagan sila sa social media platforms na kaagad harangin ang contents na inilalabas ng global terror network.