Ridge of HPA, nakakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon

Photo grab from DOST PAGASA website

Iniulat ng PAGASA na umiiral ang ridge of High Pressure Area sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, partikular itong nakakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon.

Sa buong Luzon kasama ang Metro Manila, asahang makararanas ng mainit na panahon ngunit mataas ang tsansa ng pulo-pulong pag-ulan sa hapon hanggang gabi dulot ng localized thunderstorm.

Magiging maaliwalas din aniya ang lagay ng panahon sa Visayas at Mindanao.

Ani Clauren, posibleng magkaroon ng isolated na pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms mula hapon hanggang gabi.

Wala naman aniyang inaasahang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...