Mga sementeryo sa Maynila, isasara mula October 31 hanggang November 3

By Angellic Jordan September 08, 2020 - 04:02 PM

Photo grab from Mayor Isko Moreno Domagoso Facebook

Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na pansamantalang isasara ang mga sementeryo sa lungsod simula October 31 hanggang November 3.

Sa kaniyang Facebook live, sinabi ng alkalde na pinirmahan na aniya niya ang Executive Order no. 38 para sa pagsasara ng mga sementeryo sa Maynila sa nabanggit na petsa.

Paliwanag ng alkalde, layon nitong maiwasan ang kadalasang nangyayaring siksikan ng mga bumibisita sa mga sementeryo tuwing Araw ng mga Patay.

Makatutulong aniya ang pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo upang hindi na kumalat pa ang sakit na COVID-19.

Maaga aniyang inanunsiyo ito upang mabigyan ng sapat na panahon na makabisita sa mga mahal na buhay na nakahimlay sa mga sementeryo sa Maynila.

Dagdag pa nito, magiging malaking hamon aniya sa mga pamahalaang lokal ang pagpapatupad ng physical distancing.

“Kaya po inagapan namin ‘yung future problem. Alam po natin ‘yan. Hindi naman po natin maikakaila na ‘yan po ay mangyayari. Bago pa man, kaysa po magkabiglaan po tayo at biglang ura-urada ang pamahalaan ay bigla na lamang pong kakanselahin ang mga tradisyon o kultura, pero minsan kailangan din, pero ito po, sa siyudad ng Maynila, ninanais ko pong mabisita niyo pa rin ang inyong mga mahal sa buhay na nahimlay,” pahayag ni Moreno.

Humingi naman ng pasensiya ang alkalde dahil isa aniya ito sa mga epekto ng tinatawag na “new normal.”

“Kung sakali naman, mga kababayan, halimbawa ay patuloy na bumuti ang sitwasyon natin sa pandemyang ito, ibig pong sabihin ay na-zero na, wala nang kaso ng Coronavirus sa Lungsod ng Maynila pagdating ng October 31, akin pong babawiin itong executive order na ito,” aniya pa.

Maliban dito, sinabi rin ng alkalde na, “kung sakali naman dumating ang vaccine para sa Coronavirus para hindi na tayo magkasakit at gumaling na rin ang mga maysakit by October 30, akin din po itong kakanselahin.”

Binanggit din nito na naglaan na ng Manila City government ng P200 milyon para makabili ng bakuna laban sa COVID-19 sakaling magkaroon na.

Batay sa ibinahaging datos ni Moreno, umaabot sa mahigit 1.5 milyon ang bisita sa Manila North Cemetery taun-taon habang 800,000 naman sa Manila South Cemetery.

TAGS: Araw ng mga Patay, breaking news, COVID-19, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, new normal, physical distancing, Radyo Inquirer news, Araw ng mga Patay, breaking news, COVID-19, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, new normal, physical distancing, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.