Kinumpirma rin ni Guevarra na hiningi ng Punong Ehekutibo ang kanyang payo bago ang pagbibigay ng absolute pardon sa pumatay kay Filipine transgender Jennifer Laude.
Ibinahagi nito na ang tanging nasabi niya kay Pangulong Duterte na ang pagbibigay ng pardon ay ‘exclusive prerogative’ ng pangulo ng bansa base sa 1987 Constitution at ito ay isang pagpapakita ng awa.
“Nothing prevents the President from directly exercising his constitutional power to grant executive clemency at any time, because it is a personal act of grace,” aniya.
Kasabay nito, sinabi ng kalihim na sa naging hakbang ni Pangulong Duterte, nabasura na ang motion for reconsideration na dapat ay haharang sa maagang pagpapalaya kay Pemberton.
Maaari na ring makaalis ng bansa si Pemberton bagamat sinabi ni Guevarra na hindi niya alam ang detalye ukol sa paglabas nito ng kulungan.