Pemberton, hindi humirit ng pardon kay Pangulong Duterte – DOJ

By Jan Escosio September 08, 2020 - 03:08 PM

Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi humingi kay Pangulong Duterte si dating US Marine Corporal Joseph Scott Pemberton.

Kinumpirma rin ni Guevarra na hiningi ng Punong Ehekutibo ang kanyang payo bago ang pagbibigay ng absolute pardon sa pumatay kay Filipine transgender Jennifer Laude.

Ibinahagi nito na ang tanging nasabi niya kay Pangulong Duterte na ang pagbibigay ng pardon ay ‘exclusive prerogative’ ng pangulo ng bansa base sa 1987 Constitution at ito ay isang pagpapakita ng awa.

“Nothing prevents the President from directly exercising his constitutional power to grant executive clemency at any time, because it is a personal act of grace,” aniya.

Kasabay nito, sinabi ng kalihim na sa naging hakbang ni Pangulong Duterte, nabasura na ang motion for reconsideration na dapat ay haharang sa maagang pagpapalaya kay Pemberton.

Maaari na ring makaalis ng bansa si Pemberton bagamat sinabi ni Guevarra na hindi niya alam ang detalye ukol sa paglabas nito ng kulungan.

TAGS: absolute pardon exclusive prerogative, DOJ, Inquirer News, Jennifer Laude case, Pemberton absolute pardon, President Duterte pardon, Radyo Inquirer news, Sec. Menardo Guevarra, US Marine Pemberton, absolute pardon exclusive prerogative, DOJ, Inquirer News, Jennifer Laude case, Pemberton absolute pardon, President Duterte pardon, Radyo Inquirer news, Sec. Menardo Guevarra, US Marine Pemberton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.