Ilang bahagi ng CALABARZON, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang bahagi ng CALABARZON.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:28 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Cavite, Laguna at Batangas.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Tagkawayan sa Quezon.

Asahang uulanin din ang bahagi ng Candelaria, Masinloc, Palauig at Cabangan sa Zambales.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...