6,814 pang OFW, nagnegatibo sa COVID-19

By Angellic Jordan September 08, 2020 - 01:59 PM

Mahigit 6,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa datos, 6,814 pa ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang September 8.

Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang mga returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW.

Para makita ang karagdagang listahan, maaaring bisitahin ang link na ito:
shorturl.at/ipwS0

Maliban pa ito sa naitalang 56,044 ROFs na negatibo sa nakakahawang sakit mula July 31 hanggang September 5.

Narito naman ang link ng master list:
https://bit.ly/3bvyghi

Maglalabas ang PRC ng quarantine certificates sa ROFs na makakakumpleto ng mandatory facility-based quarantine at nagnegatibo sa nakakahawang sakit base sa kanilang swab test results.

Ang mga ROF kung saan sinuri ng PRC ang kanilang specimen ay maaaring iberipika ang resulta sa redcross.com.ph/verify at kunin ang quarantine certificates sa [email protected].

Hindi na rin kailangang mag-register ng ROF sa website ng Bureau of Quarantine (BOQ) na quarantinecertificate.com kapag nasuri na ng PRC.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, OFW repatriation, PCG COVID monitoring, PCG COVID testing, PCG RT-PCR test, PCG Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, Inquirer News, OFW repatriation, PCG COVID monitoring, PCG COVID testing, PCG RT-PCR test, PCG Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.