Magnitude 3.6 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 5 kilometers Northeast ng Bayabas.

Yumanig ang lindol sa nasabing bayan bandang 1:03 ng hapon.

16 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Gayunman, wala namang naidulot na pinsala ang lindol sa Bayabas at karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...