Pangulong Duterte, bibili ng murang bakuna kontra COVID-19

Pipiliin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang murang bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa Pangulo, kapag naging available na sa merkado, agad na bibili ang Pilipinas ng naturang bakuna.

Walang pakialam ang pangulo, kung gawa man sa Amerika, China o Russia ang bakuna.

Ayon sa pangulo, base sa kanyang pagkakaaalam, magiging available na ngayong Setyembre ang bakunang gawa ng US Company na Moderna.

Naghahanda na rin aniya ang Chinese company na Sinovac ng sariling bersyon ng bakuna kontra COVID-19 at maging ang Russia.

Kung alin aniya ang mura, doon bibili ang Pilipinas dahil wala namang sapat na pera ang gobyerno para bumili ng mamahaling bakuna.

Alam mo kasi sinabi ko nga mayroon na. I think it’s Moderna. It’s a US company. I think they are ready by September. Hindi nga — sabi ko nga pabilisan na sila. Ang Sinovac — ang China is also ready. Kung sino pare-pareho lang naman ‘yan. Parehong germs ‘yan eh. Kung sino lang ang nauna magbigay sa atin na mura, doon tayo pupunta kasi they know that we do not have enough money. Kung mahal masyado, we will go for the less expensive ones. It does not mean na mas mahusay ‘yung sa Amerika o ‘yung sa China inferior or ang Russia na maganda, iyon namang gawa ng ibang nations hindi masyadong maganda,” ayon sa pangulo.

Pare pareho lang naman aniya ang epekto nito dahil iisang germs lang naman ang nilalabanan nito at ito ay ang COVID-19.

Una rito, sinabi ng pangulo na nakahandang magbigay ng libreng bakuna ang Russia sa Pilipinas.

Nag-boluntaryo pa noon si Pangulong Duterte na unang magpappaturok ng bakuna na galing ng Russia.

 

 

 

Read more...