Global death toll sa COVID-19 mahigit 890,000 na

Sumampa na sa 896,842 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 193,534.

Sumampa naman na sa mahigit 127,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 72,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 67,000.

Umabot naman na sa mahigit 19.5 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 193,534
Brazil – 127,001
India – 72,816
Mexico – 67,781
UK – 41,554
Italy – 35,553
France – 30,726
Peru – 29,976
Spain – 29,516
Iran – 22,410

 

 

 

Read more...