Mula sa 50 truck ng mga basura, 2 hanggang 3 truck na lang ang nahahakot sa Manila Bay

By Dona Dominguez-Cargullo September 08, 2020 - 10:10 AM

MANILA BAY REHABILITATION / SEPTEMBER 3, 2020
People look on as workers prepare the white sand for the beach along Manila Bay in Manila as part of its rehabilitation plan. It is set to open on September 19 to coincide with the celebration of the International Coastal Cleanup day.
INQUIRER PHOTO/ RICHARD A. REYES

Mula sa 50 truck ng basura ay bumaba na sa 2 hanggang 3 truck ng basura na lamang ang nahahakot sa Manila Bay.

Pero ayon sa Department of Environment and Natural Resources, bagaman malaki na ang nabawas sa basurang nakukuha sa Manila Bay, marami-rami pa din ang 2 hanggang 3 truck ng mga basura.

Karamihan sa mga basurang nakukuha ay mga kahoy at kawayan na ayon kay DENR spokesperson at Undersecretary Benny Antiporda ay galing sa mga fish pen sa Manila Bay.

Ayon kay Antiporda nakatakda nang magpatawag ng pulong ang DENR sa mga lokal na pamahalaan na nagbibigay ng permit sa paglalagay ng fish pen.

Kailangan aniyang maging mahigpit para ang mga fish pen operator ay maging maingat sa kanilang mga basura.

 

 

TAGS: DENR, Inquirer News, Manila Bay, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, DENR, Inquirer News, Manila Bay, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.