DENR kay DepEd Sec. Briones: Hindi kailangang turuan ang DENR sa kung ano ang gagawin

“Hindi kailangang turuan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kung ano ang gagawin”.

Tugon ito ng DENR sa pahayag ni Department of Education Sec. Leonor Briones na dapat ay ipinambili na lamang ng laptops at tablets para sa mga mag-aaral ang ginastos ng DENR sa dolomite stones na ilalagay sa Manila Bay.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni DENR spokesperson, Usec. Benny Antiporda na sa katunayan noong nakaraang buwan, nagbigay na ang DENR ang 100 tablets at pocket wifi sa mga estudyante ng PUP.

Kapalit aniya nito ay ginawa nilang environment warriors ang mga estudyante.

Ani Antiporda, kumikilos ang DENR kahit pa sa mga bagay na wala sa kanilang mandato.

Inuulan ng batikos ang paglalagay ng dolomite stones ng DENR sa Manila Bay.

Ayon kay Antiporda, noon pang nagdaang taon sila inatasan ni Pangulong Duterte na linisin at pagandahin ang Manila Bay at bahagi ito ng pagtupad sa kanilang tungkulin.

 

 

 

Read more...