Korte sa Padre Burgos, Quezon sarado sa loob ng 3-araw
Sarado muna sa loob ng tatlong araw ang Padre Burgos-Agdangan, Quezon, 3rd MCTC.
Sa abiso ng Korte Suprema iniutos ni Presiding Judge Anne Riola-Bermido ang physical closure ng korte mula kahapon September 7 hanggang 10, 2020.
Ito ay dahil sa pagsasara ng municipal hall ng Padre Burgos para isailalim sa disinfection at para magsagawa ng contact tracing.
Ang Korte ay matatagpuan sa 2nd floor ng munisipyo ng Padre Burgos.
Samantala, sarado din sa publiko simula ngayong araw, Sept. 8 ang MTCC ng Naga City.
Ito ay para makapagsagawa din ng disinfection sa pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.