Mga barangay sa QC at Valenzuela na apektado ng daily rotational interruption nabawasan na – Maynilad

By Dona Dominguez-Cargullo September 08, 2020 - 07:06 AM

Natapos na ang pagkakabit ng tatlo sa apat na pumps ng North C Annex Pumping Station ng Maynilad na lumubog sa tubig kamakailan dala ng tumagas na discharge line.

Ang dalawang pumps ay operational na kaya ayon sa Maynilad, nabawasan na ang bilang ng mga customer na nakararanas pa ng rotational water interruptions.

Sa kasalukuyan, nakatutok ang mobile water tankers ng Maynilad sa mga lugar na nananatiling apektado ng rotational interruptions upang makapag-deliver ng tubig.

Inaasahan na maibabalik sa normal ang operasyon ng mga apektadong pasilidad ng Maynilad anumang oras ngayong araw, Sept. 8 na mas maaga sa naunang estimated time of completion na September 9, 2020.

Pinapayuhan ang mga customer na kapag bumalik na ang supply ng tubig, padaluyin muna nang panandalian hanggang sa luminaw ito.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, maynilad, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, valenzuela, water, water interruption, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, maynilad, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, valenzuela, water, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.