India nakapagtala pa ng mahigit 75,000 bagong kaso ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo September 08, 2020 - 06:39 AM

Umabot na sa mahigit 4.2 million ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag, mahigit 75,000 pa ang naitalang dagdag na kaso ng sakit sa naturang bansa.

Mahigit 3.3 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India, habang mahigit 883,000 pa ang active cases.

May naitala ding dagdag na mahigit 1,100 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay mahigit 72,800 na.

Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.

 

TAGS: COVID, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, India, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, India, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.