PNP: Hindi kami nagkulang sa financial assistance para sa mga pulis

wilben-mayor (1)
Inquirer file photo

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police na hindi nila pinabayaan ang mga benepisyo ng mga tauhan ng PNP na napatay sa NPA ambush sa Cagayan kamakailan.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni PNP spokesman CSupt. Wilben Mayor na umaabot sa P2.5Million ang kabuuang benepisyo ang naibigay na sa mga kaanak ng bawat isa sa mga napaslang na pulis.

Kabilang dito ang tig-P50,000 na personal na tulong mula kay PNP Chief Ricardo Marquez, P20,000 mula sa Public Safety Savings and Loan Inc., P178,000 na gratuity pay at P42,000 na burial benefits.

Tumanggap na rin ang bawat isa sa mga namatay na pulis ng tig-P127,000 mula sa Public Safety Mutual Benefits Fund Inc.

Bukod sa tulong-pinansiyal, sinabi ni Mayor na tumanggap din ang mga napatay na pulis ng Medalya ng Kadakilaan.

Magugunitang noong February 6 ay inambush ng mga NPA members sina PO1 Ryan Annang, Derrel Sunico, Arjay Bautista, Rogelio Alfonso, Julius Soriano and Jaypee Aspiros na pawang mga naka-talaga sa Regional Public Safety Batallion ng PNP Region 2 Office.

Paresponde sana sa isang pinasabog na irrigation project sa Baggao Cagayan ang nasabing mga pulis nang sila’y tambangan ng mga rebelde.

Read more...