Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 25,413

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (September 8, 3:00 PM) nakapagtala ng 456 na bagong kaso kaya pumalo na sa 25,413 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 6,735
Laguna – 8,665
Batangas – 3,912
Rizal – 4,829
Quezon – 1,272

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 13,329.

Nasa 11,447 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 745 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 3,080
Laguna – 4,601
Batangas – 1,725
Rizal – 1,390
Quezon – 651

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 46 kaya umabot na sa 637 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 160
Laguna – 168
Batangas – 97
Rizal – 173
Quezon – 39

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

Read more...