Kaso ng COVID-19 sa Navotas City, lagpas 4,500 na

Nadagdagan pa ng 42 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (September 7), umakyat na sa kabuuang 4,519 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 421 ang aktibong kaso o katumbas ng 9.3 porsyento.

35 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 3,972 na ang total recoveries o 87.9 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 126 ang pumanaw o 2.8 porsyento.

Read more...