Halos 200 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas
Nagpositibo ang 199 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 7, umakyat na sa 6,153 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,029 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 70.91 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
120 naman ang gumaling pa kaya 3,034 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 90 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.