Rekomendasyon ukol sa umano’y anomalya sa PhilHealth, pinagtibay ng mga senador

By Jan Escosio September 07, 2020 - 10:54 PM

Pinagtibay na ng mga senador ang rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole ukol sa mga sinasabing anomalya sa paggamit ng pondo ng PhilHealth.

Kabilang sa napagtibay ang rekomendasyon ng pagsasampa ng mga kasong malversation at graft laban kina Health Secretary Francisco Duque III, dating PhilHealth presient Ricardo Morales at iba pang matataas na opisyal ng ahensiya.

Tatlong pagdinig, na tumagal ang bawat isa nang halos 10 oras, ang ikinasa ng komite na pinamunuan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto.

Tinanggap din ni Sotto ang mga hirit ng ilang senador na amyendahan ang ilan sa mga rekomendasyon, kasama na ang mula kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hilingin kay Duque na magbitiw na ito sa puwesto dahil sa mga kapalpakan sa istratehiya laban sa COVID-19, conflict of interest at ang tila pangungunsinti sa mga katiwalian sa PhilHealth.

Hiniling din ng mga senador na magkaroon ng reporma sa PhilHealth at iba pang kinauukulang ahensiya para maiwasan na ang maling paggamit ng pondo.

Nais din nila na mabago ang komposisyon ng Board of Directors ng ahensya at maitala ang Secretary of Finance bilang ex-officio chairperson sa halip na ang Secretary of Health.

TAGS: COVID-19 response under Sec. Duque, Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, Radyo Inquirer news, Ricardo Morales, Sec. Francisco Duque III, Senate Committee of the Whole, Senate recommendation on Philhealth anomaly, COVID-19 response under Sec. Duque, Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, Radyo Inquirer news, Ricardo Morales, Sec. Francisco Duque III, Senate Committee of the Whole, Senate recommendation on Philhealth anomaly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.