Bilang ng COVID-19 recoveries sa Eastern Visayas, 2,423 na

Nadagdagan ng 39 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 429 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Lunes ng gabi (September 7), 3,442 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 990 o 28.76 porsyento ang aktibong kaso.

58 namang residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 2,423 o 70.39 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Read more...