ITCZ magdudulot ng pag-ulan sa Visayas, Mindanao
Umiiral ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa ilang parte ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, partikular na maaapektuhan nito ang buong Mindanao kasama ang Eastern at Central Visayas.
Bunsod nito, mararanasan aniya ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, mga panandaliang buhos ng ulan lamang ang mararanasan sa iba pang bahagi ng Visayas at malaking parte ng Luzon dulot ng localized thunderstorm.
Sinabi rin ni Clauren na walang binabantayang low pressure area (LPA) na makakaapekto sa anumang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.