Kampo ni Pemberton, ikinalugod ang pagbibigay ng pardon ni Pangulong Duterte

By Erwin Aguilon September 07, 2020 - 05:53 PM

Ikinalugod ng kampo ni US Marine Corporal Joseph Scott Pemberton ang ginawang pagbibigay ng pardon dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Rowena Garcia Flores, kahit maraming grupo ang pumipigil upang palayain ang kanyang kliyente ay nanaig ang batas.

Sabi nito, bilang isang abogado ang pangulo ay alam nito ang nararapat gawin upang manaig ang batas at hustisya.

Dahil dito, moot and academic na aniya ang pagdinig ng Olongapo RTC sa motion for reconsideration upang pigilan ang paglaya ng kanyang kliyente dahil sa good conduct time allowance.

Immediately executory aniya ang pardon at ang kailangan lamang ay masunod ang mga kinakailangang requirements ng Bureau of Corrections at Bureau of Immigration.

TAGS: Atty. Rowena Garcia Flores, Inquirer News, Jennifer Laude case, olongapo rtc, Pemberton absolute pardon, president duterte, Radyo Inquirer news, US Marine Corporal Joseph Scott Pemberton, Atty. Rowena Garcia Flores, Inquirer News, Jennifer Laude case, olongapo rtc, Pemberton absolute pardon, president duterte, Radyo Inquirer news, US Marine Corporal Joseph Scott Pemberton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.