42 pang Filipino abroad, gumaling sa COVID-19

Nasa 12 ang napaulat na bagong nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 7, umakyat na sa 10,129 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 74 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,043 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

42 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,323 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, lima ang napaulat na nasawing overseas Filipino.

Dahil dito, 763 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,986 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,168 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 798 naman ang kaso sa Americas at 1,177 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...