Sa Facebook, ibinahagi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang mga larawan kung saan nagsagawa ng inspeksyon sa nasabing footbridge.
Kasama nito sa inspeksyon ang Parañaque City Engineering Office katuwang ang DPWH 2nd Metro Manila Engineering District Office at MMDA.
Sinabi ng alkalde na isinara ang footbridge para sa isasagawang rehabilitasyon.
Layon aniya nitong masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente ng Parañaque at iba pang karatig-lugar.
Tatagal aniya ang pagsasaayos ng footbridge nang apat na buwan.
READ NEXT
Palasyo, walang nakikitang mali sa social media monitoring ng PNP sa posibleng quarantine violator
MOST READ
LATEST STORIES