Ito ay dahil sa nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanyang security detail.
Gayunman, sinabi ni Roque na wala naman siyang nararanasang sintomas.
“Well, nag-positive po ang aking isang security detail. Wala naman po akong sintomas pero we’re following protocol po,” pahayag ni Roque.
Gayunman, bagamat naka-self isolate, tuloy pa rin sa trabaho si Roque.
Katunayan, tuloy ang regular press briefing ni Roque pero sa kanyang bahay na lamang ito ginawa.
Dadalo rin si Roque sa Inter-Agency Task Force meeting, Lunes ng gabi (September 7) kasama si Pangulong Rodrigo Duterte pero sa online o virtual meeting lamang siya.
READ NEXT
DOTr, ipinag-utos sa PCG ang pagde-deploy ng K9 units sa lahat ng railway facilities, station sa NCR
MOST READ
LATEST STORIES