Occidental Mindoro niyanig ng dalawang magkasunod na lindol

Dalawang beses niyanig ng magkasunod na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang 5 kilometers northwest ng bayan ng Abra De Ilog, ala-1:06 hapon ng Lunes (September 7) at may lalim na 160 kilometers

Magnitude 3.7 na lindol naman ang naitala sa 113 kilometers northwest ng bayan ng Lubang, ala-1:19 ng hapon at may lalim na 29 kilometers

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...