Bishop Pabillo sa Manila Bay White Sand Project: Sablay!
Sumama na si Archdiocese of Manila apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo sa mga nagsasabi na hindi naaayon sa sitwasyon ng bansa ang pagtatambak ng puting buhangin sa Manila Bay.
Katuwiran nito, dahil sa kasalukuyang pandemiya, marami ang nawalan ng trabaho at nagugutom at aniya sa kanyang palagay ay sablay ang paggasta ng P300 milyon para sa puting buhangin.
Makakabuti aniya kung ang pera na inilaan sa proyekto ay ginamit na lang para matulungan ang mga nangangailangan.
“If the Department of Environment and Natural Resources (DENR) has this amount, it would be better if they just help provide jobs and give food to those in need,” aniya.
Dagdag pa nito, maaring ang pagpapaganda sa Manila Bay ay magiging pansamantala lang dahil maaring mawala din ang pinantakip na putting buhangin kapag nanalasa ang malakas na bagyo sa Metro Manila.
Banggit pa nito, sa tuwing may bago ay natatabunan ng tone-toneladang basura ang Manila Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.