Universal Healthcare Budget dapat suportahan – Sen. Lacson

By Jan Escosio September 07, 2020 - 12:49 PM

Sa kabila ng patung-patong na mga alegasyon ng katiwalian sa paggamit ng pondo ng Philhealth, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na nararapat pa rin na suportahan ng Kongreso ang Universal Health Care Budget para sa susunod na taon.

Ngunit pahabol niya, mas makakabuti at magiging makahulugan sa health care program sa bansa kung mapapanagot sa kulungan ang mga nagnakaw ng pondo na para dapat sa pagbibigay serbisyong pangkalusugan sa mamamayan

Kayat diin ng senador, dapat ay tiyakin ng bagong pamunuan ng Philhealth na ang kanilang 2021 budget ay magagasta sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act sa talagang mga banepisaryo.

Sabi pa ni Lacson hindi na dapat makasama pa ang Philhealth at ibang ahensiya ng gobyerno sa mga dahilan ng palpak na pagpapatupad ng batas.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, niversal Health Care Budget, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, niversal Health Care Budget, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.