Ilang lalawigan sa Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, 12:20 ng tanghali ngayong Llunes, Sept. 7 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, at Bataan.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Santa Cruz, Candelaria at Masinloc sa Zambales; Mayantoc, Tarlac; Cavinti, Laguna; at sa Sampaloc, Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari din itong magdulot ng landslide sa bulubunduking lugar.

 

 

 

 

 

Read more...