Pagpalag ng senado sa isinusulong na emergency powers ng Kamara para kay Pangulong Duterte, premature pa

By Erwin Aguilon September 07, 2020 - 12:11 PM

Tinawag na pre-mature ni House Committee on Public Accounts Chair at Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang pagtutol ng mga senador sa itinutulak na pagbibigay ng emergency powers ng Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte para ayusin ang Philhealth.

Ayon kay Defensor, hindi pa nila nabubuo ang panukala kaya lumalabas na nahusgahan na agad sila ng mga kapwa mambabatas sa Senado.

Tila taliwas din aniya ito sa naging konkluyson at rekomendasyon ng isinagawang imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole kung saan nakasaaad na “extremely urgent” ang pangangailangan para sa malaliman at malawakang review at inspection sa financial life ng ahensya.

kung talaga anyang may urgency para sa reporma sa state health insurer ay dapat na maging bukas ang mga senador sa paggawad ng emergency powers.

Sa pamamagitan aniya nito ay mabibigyan ng kalayaan ang pangulo na magsagawa ng re-organization sa ahensya.

Sabi ni Defensor, may itatakdang panahon din lamang ang naturang emergency powers at hindi ito pangmatagalan.

Paliwang nito, ang layunin lamang nila ang mas epektibong healthcare system para sa mga Pilipino kaya nila isinusulong ang emergency powers at hindi para makipagpaligsahan.

 

 

 

TAGS: emergency powers, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, emergency powers, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.