Catriona Gray bagong Red Cross Ambassador
Kinumpirma ni Philippine Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon na si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang pinakabagong ambassador ng Red Cross.
Parte ng magiging aktibidad ni Gray bilang Red Cross Ambassador ang pagtulong upang magpalaganap ng impormasyon sa COVID-19 testing, kahalagahan nito at pagsunod sa health protocols.
Sa kaniyang pahayag sinabi ni Gray na umaasa siyang magagamit niya ang pagiging Red Cross ambassador para makapanawagan ng blood donations.
Mananawagan din siya ng donasyon para makapagsagawa ng mas maraming testing sa COVID-19 at maging mas accessible ito sa mga mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.