2 sundalo sugatan, terorista patay sa engkwentro sa Zamboanga Sibugay

Sugatan ang dalawang sundalo habang isang terorista ang nasawi sa bakbakan na naganap sa Alicia, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), nakasagupa ng mga tauhan ng 44th Infantry Battalion at Naval Special Operations encountered ang hindi pa matukoy na dami ng mga terorista sa Barangay Lapaz.

Tumagal ng 30-minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng isa sa mga terorista na nakilalang si Idris Aquilon.

Dalawang sundalo naman at tatlong sibilyan ang nasugatan.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Don Templonuevo, commanding officer ng 44IB na nakatanggap sila ng impormasyon na may mga kahina-hinalang indbidwal sa sa lugar kaya nagsagawa sila ng operasyon.

Na-recover sa lugar ang tatlong rifle grenades, isang magazine, isang bandolier, at mga pampsabog at mga bala.

 

 

Read more...