Western Visayas inirekomendang isailalim sa hanggang 1 buwang MECQ
Sa kabila ng pagbaba ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, tumataas naman ang kaso ng sakit sa Western Visayas.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni health expert Dr. Anthony Leachon, karamihan sa mga naitatalang tinatamaan ng COVID-19 sa Western Visayas ay mga APOR, LSIs at returning Overseas Filipinos.
Ito aniya ang dahilan kaya hindi pa dapat magpaka-kampante sa kabila ng deklarasyong na-flatten na ang curve ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila at Calabarzon.
Para kay Leachon, mainam na magdeklara ng modified enhanced community quarantine sa buong Western Visayas sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan.
Para naman sa Metro Manila, payo ni Leachon, ituloy lang ang mindset ng “voluntary ECQ” upang magpatuloy ang pagbababa ng infection rate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.