India pangalawa na sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

Ang India na ang pangalawa sa mga bansa sa buong mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 .

Ito ay makaraang maungusan ng India ang total number of cases sa Brazil.

Ang India ay mayroon na ngayong mahigit 4.2 million cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 91,700 ang naitalang dagdag na kaso ng sakit sa naturang bansa.

Mahigit 3.7 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India, habang mahigit 883,000 pa ang active cases.

 

 

 

Read more...