Bagong PNP Chief Police General Camilo Cascolan may tatlong bilin sa hanay ng pambansang pulisya

Pinangunahan na ng bagong PNP Chief na si Police General Camilo Cascolan ang flag raising ceremony ng Philippine National Police sa Camp Crame ngayong araw.

Sa kaniyang talumpati, may tatlong bilin ang bagong PNP chief sa hanay ng pambansang pulisya.

Una ay ang maging responsable, ikalawa ay maging respetado at ikatlo ang maging disiplinado.

Maliban sa tungkuling ginagampanan ng PNP sa pandemya ng COVID-19, tiniyak ni Cascolan na tututukan din ang insurgency, illegal drugs at terorismo.

Ayon sa PNP chief, sa mga susunod na araw, magpapatawag siya ng command meetings at maglalabas ng mga kautusan.

Kasabay ng flag raising ceremony ngayong araw ay may mga miyembro ng command group ng bagong PNP chief ang nanumpa sa pwesto.

 

 

 

Read more...