Sampung volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal sa magdamag
Nakapagtala ng sampung volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Batay sa Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang mga pagyanig ay bunsod ng pagkakaroon ng proseso ng rock-fracturing sa bulkan.
May naitala ring mahinang steaming activity sa bulkan na ang taas ay umabot sa 10 meters.
Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Taal at inabisuhan ang publiko na maaring magkaroon ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, at minor ashfall.
Bawal pa rin ang pumasok sa Taal Volcano Island at sa Permanent Danger Zone ng bulkan partikular sa bisinidad ng main crater at sa Daang Kastila fissure.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.