Pagdinig sa motion for reconsideration para pigilan ang pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Pemberton isasagawa ng Olongapo RTC
Isasalang ngayong umaga sa pagdinig ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 ang inihaing motion for reconsideration ng kapatid ng pinaslang na transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude para sa pagpapalaya sa akusadong si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ganap na 10:30 ng umaga diringin ni Judge Roline Ginez- Jabalde ang mosyon ni Marilou Laude- Mahait.
Base sa pitong pahinang motion for reconsideration ng private complainant sinabi nito na hindi dapat palayain si Pemberton dahil sa wala namang patunay sa good conduct nito habang nakapiit dahil sa walang katibayan na lumahok ito sa anumang rehabilitation activities na sertipikado ng time allowance supervisor at wala ring katibayan ng kinakailangang recommendation mula sa Management Screening and Evaluation Committee.
Iginiit din ng kampo ni Laude na self-serving ang computation na isinumite sa korte gayundin ang ibinigay ng Bureau of Correction dahil sa purong computation lamang at walang material basis.
Ayon naman sa kampo ni Pemberton walang merito ang mosyon ng kapatid ni Laude.
Sa anim na pahinang opposition ni Atty. Rowena Garcia Flores, abogado ni Pemberton nakasaad na hindi sumunod sa kinakailangn requirements sa ilalim ng Rules of Court ang MR ng kampo ni Laude.
Hindi anya ipinaliwanag sa mosyon kung bakit mali ang computation ng Bureau of Correction sa good conduct ng US serviceman.
Nakasaad pa na guwardiyado rin si Pemberton ng mga tauhan ng BuCor na silang maaring magpatunay ng good conduct nito habang nakakulong.
Nauna rito, ipinag-utos ni Gines-Jabalde ang pagpapalaya kay Pemberton dahil sa GCTA.
Si Pemberton ay napatunayang guilty sa kasong homicide matapos ang pagpatay kay Laude noong 2014 at hinatulang makulong ng sampung taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.