City Hall ng Cauayan City, Isabela isinailalim sa lockdown
Isinailalim sa lockdown ang City Hall ng Cauayan City sa lalawigan ng Isabela.
Ito ay makaraang madagdagan pa ang bilang ng mga kawani ng City Hall na nagpositibo sa COVID-19.
Sa inilabas na abiso ng pansamantalang sarado ang Cauayan City Hall simula 12:00 ng madaling araw kanina (Sept. 7) hanggang 12:00 ng madaling araw ng September 14, 2020.
Ito ay para magbigay-daan sa isasagawang contact-tracing matapos maitala ang mga karagdagang positibong kaso ng COVID-19 kung saan karamihan ay mga empleyado ng City Hall.
Hinihikayat ang iba na mag self-quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Suspendido ang operasyon sa lahat ng tanggapan sa City Hall maliban lamang sa CDRRM, City Health Office, POSD at Veterinary Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.