Magnitude 6.4 na lindol sa Davao Occidental hindi nagdulot ng mapaminsalang tsunami

Hindi nagdulot ng mapaminsalang tsunami ang malakas na lindol na tumama sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, walang inilabas na tsunami warning sa kabila ng magnitude 6.4 na lindol na ang sentro ay sa Don Marcelino.

Ang lindol ay naganap alas 11:23 kagabi.

Bagaman may kalaliman, ay naramdaman pa din ito ng mga residente at marami ang naglabasan ng kanilang mga bahay.

Umabot kasi sa Intensity V ang pinakamataas na intesity na naitala ng Phivolcs sa mga naapektuhan ng lindol.

 

 

Read more...