Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 19,300 na
Sumampa na sa 19,332 ang buong kaso ng COVID-19 na naitala sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 66 na bagong kaso ng sakit kahapon (Sept. 6).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, sa 19,332 na total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon, 1,976 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,139 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 5 dahilan para umabot na sa 16,217 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,688 cases.
351 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.