Vlogger na si Lloyd Cadena nagpositibo sa COVID-19 bago pumanaw

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2020 - 06:24 AM

Nagpositibo sa COVID-19 ang vlogger na si Lloyd Cadena bagyo siya pumanaw matapos atakihin sa puso.

Sa post sa Facebook page ni Cadena kinumpirma ng kaniyang pamilya na matapos lumabas ang resulta ng COVID-19 test ng Youtuber ay pumanaw ito kinabukasan.

Batay sa post, ang 26 anyos na si Cadena ay na-confine sa ospital noong Sept. 1 dahil mataas na lagnat at dry cough.

Isinailalim ito sa swab test noong Sept. 3 at batay sa resulta positibo siya sa COVID-19.

Gayunman, normal naman ang kaniyang vital signs at noong panahon na iyon ay walang dapat ikabahala sa kaniyang kondisyon.

Pero kinabukasan, Sept. 4 alas 5:00 ng umaga ay nakita na lamang siya ng mga staff ng ospital na wala nang buhay.

Kinumpirma ng mga doktor na pumanaw sa heart attack si Cadena habang natutulog.

Agad isinailalim sa cremation si Cadena noong Sept. 5.

Ang kaniyang pamilya at iba pang nakasalamuha niya ay nakasailalim na sa isolation. (END)

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, covid19, department of health, general community quarantine, Health, heart attack, Inquirer News, Lloyd Cafe Cadena, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, vlogger, covid pandemic, COVID-19, covid19, department of health, general community quarantine, Health, heart attack, Inquirer News, Lloyd Cafe Cadena, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, vlogger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.