Rep. Ditas Ramos, nagpositibo sa COVID-19

Congress photo

Positibo sa COVID-19 si 2nd District, Sorsogon Congresswoman Ditas Ramos.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, mismong si Ramos ang nagbigay alam sa Kamara sa kanyang kalagayan.

Nabatid na sa probinsya na nagpasuri si Ramos matapos makaranas ng mga sintomas.

“She developed symptoms and got tested in the province,” pahayag ni Montales.

Hinihimok naman ng Kamara ang publiko na sama-samang manalangin para sa agarang ikagagaling ni Ramos.

“Let’s pray for the speedy and complete recovery of our confirmed cases,” pahayag ni Montales.

Si Ramos ang ika-68 na kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Read more...