Online prayer concert para sa Feast of Nativity of the Blessed Virgin Mary, pangunghnahan ni Cardinal Tagle

Pangungunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples ang isang mañanita o online prayer concert para sa Feast of Nativity of the Blessed Virgin Mary.

Gaganapin ang manañita sa September 7 ng bandang 8:00 ng gabi.

Ang manañita ay pagharana sa bisperas ng kaarawan ni Mama Mary.

Nabatid na ang manañita at bahagi ng 64th anniversary ng Canonical Coronation ng Virgen de Los Remedios, ang patron ng Pampanga.

Makakasama ni Cardinal Tagle sina Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Msgr. Sabino Vengco Jr., Msgr. Ricardo Jesus Serrano at Fr. Jerry Orbos.

Read more...