Ayon kay Mayor Toby Tiangco, pinirmahan na ang Executive Order No. TMT-046, series of 2020, para sa pagtatakda ng lockdown sa nasabing lugar.
Epektibo ang lockdown simula 5:01 ng madaling-araw, September 6, hanggang 11:59 ng gabi, September 19.
Batay sa datos ng City Health Office, sa buwan ng Agosto, umabot sa 25 residente sa nasabing gusali ang tinamaan ng COVID-19.
Sinabi pa ng alkalde na lahat ng residente sa Building 4 ay kailangang manatili sa bahay at sasailalim sa swab test.
Kapag nagpositibo, agad dadalhin ang pasyente sa Community Isolation Facility.
Makakatanggap naman ng relief packs ang mga miyembro ng kanilang pamilya na maiiwan sa bahay.
Papayagan naman aniyang makapasok sa trabago ang mga essential worker na exempted ng IATF kapag nagnegatibo sa swab test at may dalang valid company ID o certificate of employment.
“Pababa na ang mga kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Ngunit kailangan pa rin ng pagsasakripisyo para mas lalo pa itong bumaba. Hinihingi po namin ang iyong lubos na suporta at kooperasyon. Pakikiisa ang tatapos sa pandemya,” hiling ng alkalde sa mga residente sa lugar.